[Video] P3 Milyong Halaga ng Pera, Alahas at Gadget Tinangay ng Kasambahay, Mga Ninakaw  Ipinost pa sa Facebook

Imahe mula sa video ng GMA

Aabot sa tatlong milyong halaga ng pera, alahas at gadget ang tinangay ng isang kasambahay mula sa kaniyang amo at ipinost pa sa Facebook nito ang ilan sa mga  ninakaw na gamit nitong Abril 12.

Ang suspek ay kinilalang si Myrna Zamora. Bigla itong umalis sa kaniyang employer tangay ang alahas pera at kagamitan ng kaniyang amo.

Ayon sa ulat ng GMA, masama ang loob ng mga amo dahil parang kaanak na ang turing nito sa kasambahay na halos dalawang taon nang naninilbihan sa kanila.

Kinasuhan na ng qualified theft si Myrna. Tinatayang nasa P3 milyong halaga ang natangay nito matapos madistrungka ang cabinet ng amo gamit ang screw driver.

Kung sinuman ang nakakikilala sa babaeng ito ay ipagbigay-alam na po sa amin. Kasi talagang sinaid po kami eh,” ayon kay Arriane Luna, nagrereklamo.

Kinabukasan matapos ang nakawan, agad nai-post ng suspek ang mga larawan ng kaniyang mga ninakaw sa kaniyang Facebook account.

Tinext si Myrna ng dati niyang amo upang tanungin sa mga nawalang pera’t gamit ngunit magaspang ang tugon nito at pinagmumura lamang sila.

Ayon kay Luna, wala naman daw ipinakitang hindi kanais-nais ang kasambahay ngunit nitong mga nakaraang linggo ay panay daw ang day off,  laging may kausap sa cellphone, umiinom at hindi natutulog.

Sa mga makapagbibigay ng impormasyon ukol kay Myrna Zamora, maaaring tumawag lamang sa numerong (02) 983-41-10.

Paalala naman ni PO2 Sarah Julaton: “Huwag agad magtitiwala, hindi agad nabubuo ang tiwala sa isang araw lamang at iiwan na ang katulong.”

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

Source :

GMA, GMA