[Video] P700k Halaga ng Shabu, Nasabat sa Isang Babaeng Dadalaw Sana sa Isang Kaanak sa Tacloban City Jail

Arestado ang isang babae na bibisita lang sa kaniyang kaanak matapos masabat ang mahigit  P700k halaga ng umano’y shabu sa loob ng Tacloban City Jail sa Leyte.

Ang suspek ay kinilalang si Ronilyn Daroy, kaanak ng umano’y high level drug pusher na si Leo Absalon. Natuklasan umano ang droga sa isinagawang body search sa suspek.

Ayon sa ulat ng GMA, nakalagay umano ang 45 gramo ng hinihinalang droga sa kahon ng scotch tape na dala ng suspek.

Ayon kay Daroy, hindi raw niya alam na shabu ang kaniyang dala. Dagdag pa nito, may lumapit daw sa kaniyang hindi niya kakilala noong siya’y naghihintay sa gate ng naturang piitan at ipinadala sa kaniya ang kahon.

Hindi naman mahanap ng mga awtoridad ang sinasabing nagbigay ng kahon kay Daroy.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA: