[Video] Pagdepensa ng mga Babaeng Opisyal kay Duterte, Itinampok sa ‘Women’s Month’

Image capture of video by ABS-CBN News via You Tube account

“Beyond those utterances or what could have been misinterpreted words from him is a helping hand, a heart that cares. It is only in Davao City that Mayor Rodrigo Duterte created a special council for violence against women and children.”

Ito ang makahulugang pagdipensa ng mga babaeng opisyal ng pamahalaan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pagdiriwang sa Women’s Month.

Anila, higit na importante ang mga magagandang nagawa ng Pangulo, ayon sa ulat ng Bandila.

Ipinaliwanag din ni USEC. Emily Padilla ang sinabi ni Pangulong Duterte hinggil sa extramarital affair. Aniya, si Pangulong Duterte ay hindi kasal kaya nakagawa ito ng ganoong pahayag.

Nagpaliwanag naman si Pangulong Duterte kung bakit siya nahuli sa pagdiriwang. Aniya, galing siya sa command conference at sinabi na may susunod pa siyang trabaho pagkatapos ng pagdiriwang.

Ipinaliwanag ni Pangulong Duterte ang usapin hinggil sa wala siyang respeto sa mga kababaihan. Aniya, mapagbiro lang talaga siya.

“Hindi ako ano, pero mabiro lang ako na tao,” saad ni Pangulong Duterte.

Naging sentro rin ng talumpati ni Pangulong Duterte ang ilegal na droga at ang posibilidad ng pagdedeklera niya ng martial law sa Mindanao hinggil sa mga kaguluhan na nangyayari doon.

Tunghayan ang iba pang detalye sa pagdepensa ng mga babaeng opisyal ng pamahalaan kay Pangulong Duterte: