[VIDEO] ‘Palit Bise’ protest, dinaluhan ng libo-libong pro-Duterte supporters

Imahe mula sa isang Youtube video.Imahe mula sa isang Youtube video.

Libo-libong supporters ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang dumalo sa ‘Palit Bise’ rally na idinaos sa Quirino Grandstand sa Maynila Linggo, Abril 2, 2017.

Ang rally na naglalayong patalsikin si Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo ay inorganisa ng mga taga-suporta ni Pangulong Duterte tulad ng Duterte Alliance of Volunteers, Artists, and Organizations or D.A.V.A.O. movement, at marami pang iba.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ang “Palit Bise” ay sagot umano sa video message ni Robredo sa United Nations kung saan ay inilahad niya ang diumano’y “Palit Ulo” scheme ng Philippine National Police sa giyera kontra droga.

Saad ni Movie and Television Review and Classification Board member Mocha Uson, masaya siya dahil marami ang dumalo sa rally laban kay Robredo.

“‘Yung mga nandito, boluntaryo po ‘yang nagpunta rito. Pati ang rally na ‘to, rally ng taumbayan dahil ang ating mga kababayan, pati iyong nasa abroad ay nag-contribute,” sabi ni Uson na kilalang taga-suporta ni Pangulong Duterte.

Panoorin ang Youtube video ng DUTERTE Latest News:

Loading...