[Video] Pamahalaan sa Publiko: Malaki ang Tubo ng Pera sa Pag-iipon sa PAGIBIG Fund, SSS

Image capture of video by GMA News via You Tube account

“May savings ka ba? Gusto mo bang tumubo ang iyong pera habang nag-iipon ka?”

Hinikayat ng pamahalaan ang publiko na mag-impok sa savings program ng pamahalaan na maaaring gawin sa PAGIBIG Fund at Social Security System (SSS) na nagbibigay ng mas malaking tubo ng pera.

Kumikita ng dibidendo ang savings sa PAGIBIG kung kaya’t lumalago ang savings na maaaring makuha nang buo matapos ang 20 taon o kapag nagretiro ang isang empleyado.

Maaaring taasan ang kontribusyon sa PAGIBIG Fund, sa halip na P100 mandatory employee contribution. Depende rin sa isang empleyado kung magkano ang nais niyang idagdag.

Ani Acmad Rizaldy Moti, OIC ng PAGIBIG Fund, ang katumbas ng savings program na ito ay ang ‘term’ o ‘time deposit’ sa mga bangko.

Paliwanag ni Moti, sa huling limang taon ay hindi bumaba sa 4% ang dividend rate na kanilang naideklara.

May isa pang savings program ang PAGIBIG, ang Modified PAGIBIG II (MP2). P500,000 ang limited deposit at wala ring maximum. Limang taon ang maturity na puwedeng i-renew kada limang taon.

Bahagyang mas mataas ang maturity rate ng MPII; noong 2016 ay 6.9% ang dineklarang dividend rate ng Regular PAGIBIG Savings habang 7.4% ang MP2, ayon sa ulat ng 24 Oras.

Ang SSS naman ay may sariling Personal Equity and Savings Option o PESO fund. P1,000 ang minimum contribution at maximum P100,000 sa loob ng isang taon.

May SSS Flexi Fund naman para sa Overseas Filipino Workers (OFW).

Ang kagandahan ng government savings program ay tiyak ng pamahalaan na makukuha ang savings at tax free pa.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

 

Source :

GMA, You Tube