[VIDEO] Pangulong Duterte, magtatanggal ng isa pang opisyal ng gobyerno na ‘matigas ang ulo’

Image from Minda NationImage from Minda Nation

Nalalapit na umano ang araw na may sisibakin na namang opisyal ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo R. Duterte. Ito ay inilahad niya sa kanyang pagdalaw sa Camp Evangelista Station Hospital sa siyudad ng Cagayan de Oro noong Linggo, Abril 2, 2017.

“In due time, I’m going to dismiss another official, Pu****a, ang titigas talaga ng ulo,” sabi ng pangulo, ayon sa isang artikulo ng GMA News.

[Sa takdang panahon, magsisibak ulit ako ng isa pang opisyal, ang titigas talaga ng ulo.]

Binalaan din ni Pangulong Duterte ang mga empleyado at opisyal ng Customs at Immigration na silang lahat ay sisibakin kapag may gumawa ng masama sa kanilang hanay.

Ito umano ay upang matanggal niya ang korapsyon sa bansa. Malinaw umano ang kanyang pangako sa mga tao noon na magkakaroon ng malinis na gobyerno sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte ang susunod na opisyal na kanyang sisibakin.

Panoorin ang buong pahayag ni Pangulong Duterte sa Youtube video na ito:

Source :

GMA News, YOUTUBE