[VIDEO] Pangulong Duterte sa Estados Unidos: Magkaisa tayo para labanan ang terorismo

Mga imahe mula sa FB pages na Rody Duterte at USA--United States of Awesome.Mga imahe mula sa FB pages na Rody Duterte at USA--United States of Awesome.

Nanawagan si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Estados Unidos na kailangan nilang magkaisa upang labanan ang terorismo. Ito ay sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati sa Mt. Samat Shrine sa  Pilar, Bataan noong Araw ng Kagitingan.

Ayon sa ulat ng ABS CBN News, sinabi ni Pangulong Duterte ang historikal na ugnayan ng Estados Unidos at Pilipinas ay dapat maging basehan sa pagbuo ng alyansa upang labanan ang banta ng terorismo.

“As we fought together to stay above the enemy then, so we should help each other to address the threats that confront our societies, our region, and our world,” saad ng pangulo.

[Dati ay lumaban tayo nang magkasama. Dahil diyan ay dapat tayong magtulungan upang lutasin ang mga banta laban sa atin.]

“Now the menace of terrorism, violent extremism and transnational crimes such as the illegal drug trade have called into question, efforts to uphold the responsibility to defend the common good,” dagdag ni Pangulong Duterte.

Sinang-ayunan naman ito ni Michael Klecheski ng U.S. Charge’ D’Affaires.

Panoorin ang YouTube video na ito na ipinost ng “DUTERTE ADMINISTRATION”: