[VIDEO] Panoorin ang kahanga-hangang kuwento ng 1st batch ng ‘EBest’ scholars na mga propesyonal na ngayon

Imahe mula sa isang Youtube video.Imahe mula sa isang Youtube video.

Ang mga  tinulungan ng Eat Bulaga upang makapaga-aral noon ay mga propesyonal na ngayon. Sila ang tatlong bata noon na sa kabila ng kahirapan ay nagsumikap sa pag-aaral.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang ‘EBest’ scholars ay sina Angel Bert Baguhin, natapos ng BS Chemistry sa Xavier University Ateneo de Cagayan, isang BPI Science awardee;  Melvin Dugay, nagtapos ng BS Business Administration Major in Accounting sa Jose Rizal University; at Almira Bless Amorado, nagtapos ng BS Business Management Major in Accounting sa Cebu Institute of Technology bilang magna cum laude.

Si Angel Bert noong bata pa ay maagang gumigising para tumulong sa kanyang ama sa paghihiwalay ng lumpia wrapper. Ang pamilya nila ay nagbebenta ng empanada at lumpia. Samantala, si Melvin naman noon ay madalas pumasok nang walang baon. Siya ay sumasakay sa bangka at naglalakad nang malayo upang makapasok lamang sa paaaralan. Si Almira naman noon ay naghihikahos din sa buhay at hindi sumasapat ang kinikita ng kanyang mga magulang sa pagbebenta ng chorizo sa palengke.

Ang tatlong scholars na ito ay dapat pamarisan ng mga kabataan ngayon. Dahil sa kanilang dedikasyon at sa tulong mula sa Eat Bulaga, nakamtan nila ang kanilang mga pangarap.

Panoorin ang kuwento ng unang batch ng ‘EBest’ scholars sa YouTube video na ito:

Source :

GMA News, YOUTUBE