[VIDEO] Panoorin ang kahanga-hangang pag-awit ni Gabbi Garcia ng ‘Hanggang Kailan Kita Mahihintay’

Imahe mula sa Instagram video ni Gabbi Garcia.Imahe mula sa Instagram video ni Gabbi Garcia.

Sadyang napaka-talentado ng Kapuso actress at Encantadia star na si Gabbi Garcia. Ang magandang dalaga ay hindi lamang mahusay sa pag-arte; bagkus, siya rin ay magaling umawit.

Sa isang Instagram video na ipinost ni Gabbi, mapapanood siyang inaawit ang “Hanggang Kailan Kita Mahihintay” ni Paulo Valenciano. Inawit ito ng mayuming dalaga habang siya ay naggigitara.

Ang naturang video ay may 137,000 views, at mahigit 430 comments na. Marami sa kanyang mga tagahanga ang pumuri kay Gabbi.

Hinggil sa ulat ng GMA News, noon pa man ay inamin na ni Gabbi na pangarap niyang magka-album. Musika umano talaga ang first love niya.

 Aniya, “Siyempre, gusto ko sanang magkaroon ng album soon… I want it to be from me. Sincerely Gabbi. I want my first album to represent me. Ang music ko, very chill. Gitara lang. Ayoko nang masyadong birit…. First love ko ang music. Hopefully, ma-share ko rin ‘yun sa show business,” saad ni gabi, ayon sa ulat ng GMA News.

Ang dalaga ay gumaganap bilang si Sang’gre Alena  sa primetime show ng GMA na pinamagatang “Encantadia.”

Panoorin ang Instagram video na ito ni Gabbi kung saan inawit niya ang “Hanggang Kailan Kita Mahihintay”:

hanggang kailan kita mahihintay – paolo valenciano

A post shared by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on