[Video] Robin sa pagbubuntis ni Kylie: ‘Di ako masyadong excited’

Mga imahe mula sa Facebook at YouTubeMga imahe mula sa Facebook at YouTube

Sa halip na tuwa, pag-aalala raw ang nadarama ni Robin Padilla sa napaagang pagdadalantao ng anak niyang si Kylie Padilla.

Ayon sa Bombo Radyo, ito ang kauna-unahang pahayag ni Robin dalawang buwan matapos kumpirmahin ni Kylie na kanya ngang ipinagbubuntis ang magiging anak nila ni Aljur Abrenica. Saad ni Robin, unang lapit pa lamang sa kanya ng anak, alam na niya ang aaminin nito at hindi siya handa para rito.

Sa panayam kay Robin, sinabi niya na hindi siya ganoon ka-excited para kay Kylie.

“Hindi ako masyadong excited. Siyempre gusto ko makapanganak muna siya nang mahusay,” wika ng aktor.

Mapapanatag lamang daw siguro siya kapag nakapanganak na ito sa pamamagitan ng normal delivery at makapagpa-breastfeed.

“Kapag nando’n na, siguro do’n na ako magiging excited. Bagama’t siya’y nasa edad na, malamang, siya handa pero ako, hindi ako handa,” paliwanag ni Robin.

Kanya ring nilinaw na nais niyang ang pagbubuntis na lamang ng kanyang panganay na si Queenie, na kasal sa kanyang Pakistani husband, ang pag-usapan.

Narito ang isang ulat tungkol sa panayam kay Robin kamakailan:

Loading...