[Video] Taxi Problem: Buntis Tinanggihan daw Isakay ng mga Taxi Drivers?

Mga larawan mula sa Facebook account ni Zyra Natalie Moleta via videoMga larawan mula sa Facebook account ni Zyra Natalie Moleta via video

Isang  netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya sa social media hinggil sa diumano’y pagtanggi sa kaniya ng ilang mga taxi driver na sila’y maisakay.

Ibinahagi ni Zyra Natalie Moleta sa kaniyang Facebook account nitong Abril 20, dakong 12:30 hanggang 1:30  ang video ng ilang mga taxi driver na tinanggihan  siyang isakay habang siya’y naghihintay sa BGC.

Kasama ng naturang netizen ang isang buntis habang sila’y naghihintay ng taxi patungo sa Commonwealth Avenue noong mga oras na iyon.

Akala ko ba bawal na tumanggi mga taxi?” ayon sa netizen.

Batay sa kaniyang post, makailang beses silang tinanggihan ng mga taxi driver. Nakuhanan ito ng apat na  video na nagpapakita ng pagtanggi sa kanilang pagsakay.

Nakalimang pagpara ng taxi ang netizen subalit pare-parehong rason ang naibigay sa kanila kahit pa may kasama siyang buntis.

Agad na kumalat ito sa social media. Umabot na sa halos 22,000 shares ang naturang mga video, as of posting.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen na tila nakisimpatya at naka-relate sa mga ito.

Ayon sa isang netizen, mainam pa raw na sumakay sa mga Uber vehicle – may mababang pasahe na at komportable pa.

 “Sisihin nila mga UBER at GRAB kung bakit wala ng nasakay sa kanila!” para naman sa isang netizen.

Ayon pa kay  Moleta, maraming mga taxi drivers ang tumanggi sa kanila ngunit ilan lamang ito sa mga nakuhanan nila.

Kamakailan lamang isang netizen naman ang umalma dahil naman sa sobrang  singil sa kaniya ng isang taxi driver gayong malapit lamang ang biyahe nito. Hinamon pa ng driver na i-upload pa ang kaniyang video sa social media.

Samantala, tandaan na bawal ang contracting o ang hindi paggamit ng metro sa mga taxi. Narito ang isang website, Taxikick, kung saan maaaring ireport ang mga abusadong taxi drivers.

Narito rin ilang mga numero na maaaring tawagan sa LTFRB: GLOBE- 0917-550-1342. SMART- 0998-550-1342. LTFRB 24/7 HOTLINE. 1342.

LTFRB