[Video] Turistang Hapon Nagbalik ng Pilipinas Upang Personal na Pasalamatan ang 3 Davao Police na Tumulong sa Kanya

Larawan mula sa video ng UNTV via You TubeLarawan mula sa video ng UNTV via You Tube

Nagbalik ng Pilipinas ang isang Japanese tourist upang personal na pasalamatan ang tatlong babaeng pulis na tumulong sa kanya sa Davao City noong 2015 Kadayawan Festival.

Ang Japanese tourist na kinilalang si Koniko Sugiyama, 74, ay sumadya ng bansa upang pasalamatan lamang ang tatlong pulis sa kabutihang nagawa sa kaniya; ayon sa Phil News.

Ang mga magigiting na pulis ay kinilalang sina PO2 Irene Cenabre, PO3 Chinglee Dalogdog at PO3 Lorna Olarvida.

Kinikilala ngayon ang busilak na puso at pagiging matulungin ng tatlong pulis sa pagtulong kay Sugiyama.

Sinamahan lamang ng tatlong pulis si Sugiyama sa paghahanap ng lugar na makakainan ng tanghalan dahil hindi pamilyar ang Hapon sa lugar. Nagkakuwentuhan sa loob ng taxi  ang mga pulis at si Sugiyama hanggang sa makarating sa kanilang destinasyon.

Ayon kay PO3 Cenabre, binigyan sila ng contact number ng Hapon ngunit hindi naman ito masyadong pinansin ng mga pulis dahil para sa kanila isang ordinaryong pagganap lamang ito sa kanilang tungkulin.

Nitong kasalukuyang buwan, nagbalik si Sugiyama sa Davao City Police Office (DCPO) at hinanap ang tatlong pulis. Magkakasama silang kumain at nagkuwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay. Hindi naman inasahan ng mga pulis na magpapasalamat ito nang personal sa kanila.

Ayon naman kay PO3 Chinglee Dalogdog, ginagawa lamang nila ang kanilang responsibilidad na pagsilbihan at protektahan ang mga tao.

Iaakyat din sa kabutihang ginawa ng tatlong pulis sa DCPO para sa natatanging rekomendasyon.

Panoorin ang video na ito mula sa You Tube: