[Viral] Magkapatid na nagtitinda ng mais para makatulong sa magulang ngayong summer, umantig sa mga netizens

Image from All About the Philippines Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Kumakalat ngayon sa Facebook ang video at larawan ng magkapatid na nagtitinda ng mais para lang makatulong sa kanilang magulang ngayong summer.

Naantig ang damdamin ng mga netizen sa video at larawan na ibinahagi ng Facebook page na All About the Philippines kamakailan.

Makikita sa naturang post ang isang batang lalaki at babae na naglalako ng mais sa kalsada. Walang pagkakakilanlan ang dalawang bata at kung  taga-saan ang mga ito.

Hati naman ang reaksiyon ng mga netizen sa naturang post.

Marami ang nagsasabing hindi dapat pinapayagan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maghanapbuhay sa kanilang murang edad dahil delikado ito para sa mga paslit.

“Please dont let any of this children work or sell anything in the street! Alam p naten lahat na delikado sa kalye marami pong nag lipanang masasamang loob! Wag po nating hayaan na sa bandang huli dun po tayu magsisi!,” anang isang nagmamalasakit na commenter.

Subalit marami rin ang nagtanggol sa magulang ng bata lalo pa’t hindi naman alam ng karamihan ang tunay na kalagayan ng kanilang buhay.

Wika ng iba, marahil ay nais lamang daw na makatulong ng mga bata sa kanilang pamilya.

“Yung mga nagsasabing di magandang nagbabanat ng buto ang mga bata, wake up, matagal nang nangyayari ang ganito, kahit nung kabataan pa ng mga ate/kuya ko, nakikita ko din to sa probinsya, mas maigi nang makatulong sa magulang kesa sa mga computer shop lang nakikita or pagala-gala,” sabi naman ng isang netizen.

Ganunpaman, umani na ng mahigit 86,000 shares at mahigit 13,000 likes ang mga larawan at video.

Panoorin:

Source :

Facebook