[Viral] Pastel-hued Clouds, Namataan sa Zamboanga del Sur

Larawan mula kay Anne Elle Salikala via Facebook accountLarawan mula kay Anne Elle Salikala via Facebook account

Naging viral sa social media ang “pastel-hued clouds” na namataan sa Zamboanga del Sur.

Sa Facebook post ni Anne Elle Salikala, ipinakita niya ang larawan at video ng nasabing ulap, at pabiro niyang sinabi na: “The unicorn is here”.

Ibinahagi ng netizens ang larawan na nakuha ni Salikala at mayroon na itong 17,000 na ‘likes’ at humigit kumulang sa 157,000 ‘shares’ sa Facebook.

Ayon kay Leonilo Millares, ABS-CBN resident meteorologist, ang multi-colored phenomenon na “cloud iridescence” o ang display ng rainbow colors ay dahil sa distribusyon ng ilaw sa pamamagitan ng maliliit na water droplets na mayroon sa cumulus o circus clouds, saad sa ulat ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Millares, ang phenomenon na ito ay hindi mangyayari kung masyadong malaki ang water droplets na nabuo sa ulap.

Dagdag pa ni Millares, itinuturing na bihira ang cloud iridescence sa Pilipinas dahil hindi naman inuulat ng mga tao ang bawat kakaibang pangyayari na kanilang nakikita.

Ani Millares, kahit saan ay maaari na mangyari ang cloud iridescence, kahit pa ito ay sa gabi kung saan ang buwan ay maliwanag na nagniningning at may cloud formations na may dalang minuscule droplets  na kinakailangan upang i-refract ang liwanag.