[VIRAL VIDEO] Dancing inmates at prison guard ng Iwahig Prison and Penal Farm, patok sa social media

Mga imahe mula sa isang Facebook video ng Bandera News Philippines.Mga imahe mula sa isang Facebook video ng Bandera News Philippines.

Trending ngayon sa social media ang Dancing inmates at prison guard ng Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan matapos itong i-upload sa Facebook noong Biyernes, Abril 7, 2017.

Sa isang video na ipinost ng Bandera News Philippines sa Facebook, makikita na umiindak ang mga preso kasama ang isang prison guard. Dahil sa kanilang mga suwabeng galaw, pinuri sila ng mga netizen na aliw na aliw.

Ang naturang video ay may mahigit 1.5 views, halos 40,000 shares, at 38K reactions na sa Facebook.

Ayon sa ilang netizens, napakalambot umano ng katawan ng prison guard, at kung ito raw ay magiging warden, magiging masaya ang lahat ng preso.

“Napakalambot ng katawan ni sir. Magaling siyang sumayaw. Kung siya ang magiging warden, hindi malulungkot ang mga preso,” saad ng isang Facebook user.

Panoorin ang kanilang pag-indak sa saliw ng masasayang tugtugin sa video ng Bandera News Philippines sa Facebook:

Ang full video naman ay nasa You Tube!

Source :

Facebook