[VIRAL VIDEO] Vice Ganda, sinurpresa ng kanyang mga kaibigan habang natutulog

Mga imahe mula sa isang Youtube video.Mga imahe mula sa isang Youtube video.

Trending sa Youtube ang video ni Vice Ganda nang gisingin siya ng kanyang mga  minamahal na kaibigan para awitan sa  araw ng kanyang kapanganakan.

Sa video, makikita ang kanyang mga kaibigan na may dalang cake. Pinasok naman nila ang kuwarto ng komedyante habang ito ay mahimbing na natutulog.

Noong nasa tapat na sila ng kama ni Vice Ganda, bigla na lang silang umawit ng : “Happy birthday to you!” Ito ay labis ikinagulat ni Vice Ganda. Pabiro pa niyang sinabi na “lumabas kayong lahat!”

Ang video na ipinost ng The Pinoy Channel ay may caption na: “Watch! Vice Ganda ginising pa ng kanyang beki friends bakla friends para sa kanyang birthday! Bagong gising walang makeup makeup at walang wig wig! Natural look ni Vice! It’s Showtime na!”

Ang naturang video na na-upload noong  Marso 30, 2017 ay may 1,372, 304 views na. Nagkamit ito ng 10, 252 likes.

Panoorin ang nakakatuwang YouTube video na ito na may pamagat na “Vice Ganda Nabulabog sa Pagtulog! Birthday Surprise No Makeup!” :

 

Source :

YOUTUBE