1,000 CD replicating machines na gamit sa pamimirata, aksidenteng nadiskubre ng mga pulis sa Quiapo

age capture of video by GMA Newsage capture of video by GMA News

Tinatayang aabot sa isanlibong compact disc (CD) replicating machines ang hindi inaasahang madidiskubre ng mga awtoridad sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng GMA, target ng operatiba ng Manila Police District Drug Enforcement Unit ang apat na tulak ng droga sa isinagawa nilang drug buy bust operation sa lugar, pero nakatunog ang mga ito na pulis ang kanilang katransaksyon kaya mabilis na umeskapo patungong Norzagaray Street.

Pumasok ang mga suspek sa isang establisyimento kung saan sila nasukol ng mga pulis na humabol sa kanila. Bukod sa mga suspek, tumambad sa mga pulis ang tinatayang nasa 1,000 CD replicating machines na ginagamit sa pamimirata ng mga pelikula at mga kanta.

Talumpu’t apat na tao na nasa loob ng nasabing establisyimento ang dinala  rin sa himpilan ng pulisya upang imbestigahan.

Inaalam pa kung sino ang may-ari ng mga replicating machines.

“Sa bulto, sa dami ng mga replicating machines na nakikita natin…patuloy pa ring ini-imbentaryo…Iniimbestigahan pa natin kung sino ‘yung mga involved dito,” wika ni Police Community Precinct-Barbosa Chief Insp. Michael Garcia.

 

 

Source :

GMA Network