27-anyos na Lalaking Nagbenta ng Gitara, Pinagbabaril ng Nagpanggap na Buyer

Public domain

Isang 27-anyos na lalaki ang pinagbabaril ng lalaking nagpanggap na bibili ng kanyang electric guitar sa Ilo-ilo City.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, dakong ika-11 ng gabi, nang maabutan ng mga awtoridad na puno ng putik at duguan  ang biktimang si Vincent Imperial ng Bacolod City na pansamantalang nakatira sa Barrio Obrero sa Lapaz.

Si Imperial ay binaril ng isang kinilala lamang bilang  alyas Bert sa Barangay Loboc sa Lapuz.

Ayon kay Imperial, sumakay ito sa motorsiklo ng suspek na nagpanggap na bibili ng kanyang gitara. Ngunit  bigla na lamang silang huminto sa madilim na bahagi ng tulay sa Loboc Lapuz at doo’y binaril siya ng higit sa anim na beses. Alerto at nakapalag ang biktima at doo’y nakatakbo papalayo sa kabila ng natamo nitong tama ng bala.

Kasalukuyan namang nagpapagaling si Imperial sa ospital.

Hindi pa makumpirma ng mga awtoridad kung ang transaksiyon sa ibinebentang gitara ang motibo ng pamamaril.

Patuloy na tinutugis ng awtoridad si alyas Bert.

I-click ang imahe upang mapanood ang maiksing video mula sa ABS CBN
I-click ang imahe upang mapanood ang maiksing video mula sa ABS CBN