5 miyembro ng MTPB, sinibak ni Mayor Estrada matapos magpositibo sa drug test

Image from DFN FilesImage from DFN Files

Sinibak ni  Manila Mayor Joseph Estrada sa tungkulin ang limang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos magpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Kinilala ang mga nagpositibo sa drug test na sina Rommel Santos, 40-anyos; Randy Luangco, 28-anyos; Marcelo Tinao, 39-anyos; John Lennon Dalisay, 27-an­yos; at Enrico Dalisay, 39-anyos.

Ayon sa ulat ng Tempo, ang limang sinibak ay kabilang sa 240 MTPB enforcers na sumailalim sa surprise drug test noong  Abril 24.

Government work is a serious business. We have no room for drug addicts,” ani Estrada.

Sinabi ni Estrada na wala itong magagawa kundi sipain sa serbisyo ang lima dahil sa paglabag sa itinatakda ng Civil Service.

Ayon pa kay Estrada, ang mga nagnegatibo sa drug test ay makatatanggap ng sertipiko na magkukumpirmang sila’y “100 percent clean” ngunit binalaan ang mga ito na babantayan ang kanilang mga kilos.

“Lagi ninyong tatandaan na ang lahat ng ginagawa ninyo, ang mga kilos ninyo sa publiko, lahat ‘yan ay nire-report sa akin,” wika pa ni Estrada.

 

Source :

Tempo, Abante