86-anyos na lolo nanghalay ng 8-taong gulang na batang babae

Image from The North East Today

Isang matandang lalaki ang inaresto ng mga pulis dahil sa reklamong panghahalay ng isang batang 8-taong gulang sa Iloilo.

Sa ulat ng Philstar, dumulog umano ang biktima kay Miag-ao police women’s and children’s protection desk acting chief Police Officer 2 Maricel Celestial upang isuplong ang ginawang kahalayan sa kanya ng matanda dalawang taon na ang nakalilipas. Ilang ulit daw minolestiya ng matanda ang biktima noong taong 2015.

Kinilala ni PO2 Celestial ang suspek na si Jaime Esmero, na inaresto sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Bacolod, Miang-ao sa bisa ng warrant of arrest na isyu ni  Iloilo Regional Trial Court Branch 67 Judge Victor Gelvezon.

Mariin namang itinanggi ng matanda ang akusasyon laban sa kanya. Aniya, napakatanda na niya at sakitin pa para magawa ang krimeng ibinibintang sa kanya ng bata. Dagdag pa niya, wala siya sa bayan ng Miag-ao noong panahon na sinasabing naganap ang panghahalay.