Africano, sinentensiyahan ng 9-taong pagkakakulong dahil sa panghahalay sa Pinay helper sa Hong Kong

Image from Youth Ki AwazzImage from Youth Ki Awazz

Humahagulgol umano ang African national na si Kokou Afla Apelete matapos siyang sentensiyahan ng High Court ng Hong Kong ng siyam na taong pagkakakulong dahil sa panggagahasa niya sa helper niyang Pinay.

Ayon sa Inquirer, ipinag-utos pa ng korte na magbayad ang nasasakdal ng halagang HK$48,120 o tinatayang P307,990 sa biktima na hindi pinangalanan dahil sa legal na kadahilanan.

Nangyari umano ang panggagahasa sa Pinay domestic helper noong Agosto 2015 nang makita niya itong naglilinis ng banyo. Nauna dito, pinipilit umano ni Apelete ang Pinay na magkaroon  sila ng relasyon ngunit tatlong ulit itong tinanggihan ng biktima.

Kinailangang magpa-injection ng biktima para Human Immunodeficiency Virus matapos ang panggagahasa dahil sa pangambang dapuan siya ng sexually transmitted disease. Nagkaroon na rin umano ng takot ang biktima sa mga estranghero na lumalapit sa kanya.

 

Source :

Inquirer, SCMP