Aktor Sam Milby, plano pa ring ituloy ang kanyang ‘Hollywood dreams’

Imahe mula sa Facebook

Pagkatapos ng kanyang hit afternoon series na “Doble Kara” na umabot din ng isa’t kalahating taon, inamin ni Sam Milby na hindi pa rin siya sumusuko sa kanyang ‘Hollywood dreams’.

Narito ang kanyang pahayag sa isang panayam ng ABS-CBN , pagkatapos ilunsad ang kanyang bagong album na “Sam:12”: “We still have plans. It’s more, if I have time, gusto ko mag-audition. I still have my management sa LA and they still send me emails kung puwede akong mag-audition for this project. So kung may time, gusto ko even for the experience. I have plans to try to audition again next year.”

Dagdag pa niya: “It’s actually normally end of January hanggang end of April ang casting. So noong time na ‘yon, end of January, I was still doing ‘Doble Kara’. So it wasn’t the right time. Hopefully, baka next year. We’ll see.”

Matatandaang taong 2015 nang mag-stay sa Los Angeles si Sam para sa kanyang networking, meeting people at sa kanyang pag-aaral.

“I’ll try to pursue my ‘Hollywood dreams’ habang bata pa ako at may chance. This is really my ultimate dream eversince. So I might as well do it now,” puno ng pag-asa na pagtatapos ni Sam.

Kitang-kita sa kanyang mukha ang determinasyon na matupad ang kanyang pangarap.

Nagbabalik si Sam sa kanyang SA<:12.

Samantala, inaanyayahan niya ang mga taga-Subic:  See you guys this Friday, May 19, 5PM at Harbor Point Mall, Riverwalk, Subic for the #SAM12 Album Tour !