Aktres Maricar de Mesa, ipinakita sa publiko ang larawan ng kanyang ‘Baby bump’.

Imahe mula sa Facebook

Proud at masayang ipinost ng aktres na si Maricar de Mesa ang kanyang mga larawan bilang soon-to-be mother. Sa mga post niya sa Instagram, masayang ipinakita ng aktres ang kanyang ‘baby bump’. Bagama’t malaki na ang kanyang tiyan, maganda pa rin ang kanyang pangangatawan. Dahil dito, maraming netizen ang humanga at todo suporta sa kanyang pagbubuntis.

Image result for Maricar de Mesa shows off baby bump-people ask who's the dad, and get a clue

36-anyos na ngayon si Maricar na naunang ikinasal sa former PBA star na si Don Allado na sa kasamaang-palad ay hindi sila nabiyayaan ng supling. Hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa dahil diumano sa isyung pangangaliwa ni Don sa aktres. Na-annull ang kanilang kasal, kaya tanong ngayon ng maraming netizen: “Sino ang ama ng pinagbubuntis ni Maricar?”

Samantala, isang netizen naman ang tila nagbigay diumano ng clue sa misteryosong lalaki na siyang ama ng ipinagbubuntis ni Maricar. Aniya: “Happy for you and ‘J’.”

https://www.instagram.com/p/BTtxatzhV2U/?taken-by=msmaricardemesa&hl=en

Sa ngayon, palaisipan pa rin sa maraming tagahanga ng aktres, na nakilala ng publiko sa kanyang kontrabida roles, ang totoong identity ng lalaki na ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Gayunpaman, base na rin sa mga larawan ni Maricar sa Instagram, mababakas sa kanyang mukha ang kasiyahan at animo’y kontento na ito sa kanyang buhay ngayon.

Ngayon pa lang ay marami nang netizens ang nagpaabot ng pagbati sa aktres na malapit na ring maging isang ganap na ina.

Narito ang iba pang larawan ng aktres na pinost nito sa kanyang Instagram:

Image result for Maricar de Mesa shows off baby bump-people ask who's the dad, and get a clue

Image result for Maricar de Mesa shows off baby bump-people ask who's the dad, and get a clue

Image result for Maricar de Mesa shows off baby bump-people ask who's the dad, and get a clue