Awra Briguela, Ibinihagi ang Kanilang ‘Kissing Photo’ ni Sue Ramirez

Larawan mula sa Instagram ni Awra BriguelaLarawan mula sa Instagram ni Awra Briguela

Tila magkakasunod ang suwerteng dumarating kay McNeal “Awra” Briguela. Mula sa pagiging mataas ang rating ng FPJ’s Ang Probinsiyano, kamakailan nama’y nagwagi ito bilang kauna-unahang grand winner sa Your Face Sounds Familiar Kids Edition.

Suwerte ring maituturing ang paghalik ni Awra kay actress Sue Ramirez na nitong Marso lamang ay nakatanggap din ng sorpresang paghalik naman mula kay  Julia Barretto.

Sa Instagram account ni Awra, ibinahagi nito ang kissing photo nila si Sue.

Ate @sueannadoodles si ate @sueannadoodles ay isa sa mga pinaka mabait at malambing kong ate si ate @sueannadoodles lang naman ang second girl na nakapag kiss saken sa lips bukod sa nanay ko at si ate @juliabarretto naman ang third girl na nakapag kiss den saken sa lips kaya bukod jan jan mo talaga mapapatunayan na love ka ng ateng kaibigan girlfriend mo na ren

Inilarawan ni Awra si Sue bilang isang  “ate.” Sinabi rin ni Awra na si Sue ang ikatlong babaeng nakahalik sa kaniyang labi maliban pa kay Julia at sa ina.