Babae nakunan ng video na binubugbog ang isang bata, uploader nanawagan sa DSWD

Image capture from video by Em Ytterp via FacebookImage capture from video by Em Ytterp via Facebook

MAYNILA, Pilipinas  –  Galit at pagkainis ang naramdaman ng mga netizen matapos mapanood ang isang viral na video kung saan makikitang sinasaktan ng isang babae ang isang bata.

Ibinahagi ni Em Ytterp sa Facebook ang naturang video na kumalat na sa social media makalipas lamang ang isang raw.

Nakita umano ng kaniyang anak ang pangyayari matapos silang lumabas sa isang grocery at itinuro ito sa kaniya. Dito na raw siya nagpasiyang kunan ng video ang naganap na pananakit sa bata.

Sa naturang video, ilang beses na sinuntok at sinipa ng babae ang kawawang bata habang patuloy itong umiiyak.

Hindi naman malaman kung magkamag-anak o kaya ay mag-ina ang dalawa.

Ayon sa netizen na nagbahagi ng video, hangad lamang umano niyang makarating sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pang-aabuso sa kawawang biktima kaya niya ito ipinost sa social media.

Samantala, umabot na sa mahigit 815,000 ang views ng video at mayroon na rin itong mahigit 1,400 shares at mahigit 2,000 reaction ngunit “hidden” na ang status nito dahil sa masyadong graphic ang nilalaman.

 

Source :

Facebook