Babala sa mga Motorista: Simula Mayo 18 banned na ang Gadgets at Car Windshields

imahe mula sa James Deakin

Ngayong darating na Mayo 18, banned na sa lahat ng mga motorista ang mga gadgets gaya ng mobile phones at car windshields na direktang makakaapekto sa line of sight ng driver.

Ang Anti-Distracted Driving Law ay magiging epektibo ngayong darating na Huwebes at sinumang lalabag rito ay haharap sa penalties na aabot ng P20,000 at pagpapawalang-bisa ng lisensiya.

“Even hands-free devices, as long as they obstruct the line of sight of the driver, would be in violation of the law. Using cellphones for texting or making calls or sending messages while driving will also be banned,” anang MMDA sa panayam ng ABS-CBN news.

Samantala, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay mag-i-issue ng violation tickets sa sinumang driver na mahuhuling nagte-text o tumatawag gamit ang cellphone habang nagmamaneho, kahit pa naka-on ang red light.

Sakop ng nasabing batas ang lahat ng public utility vehicles, private cars, government vehicles, bikes, motorcycles, skateboards, kuliglig, haba-habal, motorized wheelchairs at kahit horse-drawn carrriages na ginagamit ng mga turista sa Intramuros.

Exempted naman ang mga driver na nagre-report ng mga aksidente o sunog at iba pang emergency.

Dagdag pa ng MMDA: “The implementing rules and regulations on the regulation of vehicle window tint is now being drafted to help the MMDA apprehend violators of the Anti-Distracted Driving Law. Meantime, Republic Act 10666 or an Act providing for the Safety of Children Aboard Motorcycles will take effect on May 19. “

Narito naman ang mga multa na maaaring ipataw sa mga lalabag sa batas na ito: P3,000 hanggang P10,000 at revocation of license na may kasamang 1-taong pagkakakulong kung ang pinsala na nagawa ay nagresulta sa kamatayan o serious injuries/damage to property.

Ang multa ay babayaran sa Metrobank or Bayad Centers at hindi sa mga Enforcers.

“The MMDA has summoned barangay officials and tanods to discuss their training to help the MMDA in its operations. Also, the MMDA is eyeing barangay tanods as force multipliers so that illegal parking and other obstructions to traffic would be put in check,” paliwanag pa ng MMDA.