Bata, ipinagbabawal nang sumakay sa motorsiklo

Public domainPublic domain

Hindi na pinahihintulutan ang mga batang sumakay sa  motorsiklo sa mga national roads at highways sa buong bansa sa bisa ng Children’s Safety on Motorcycles Act or Republic Act 10666. Ito’y ipatutupad sa Biyernes, ika-19 ng Mayo.

Only children whose feet can reach the foot peg, could wrap their arms around the driver’s waist, and wears protective gear such as a helmet may be allowed to ride on a motorcycle with an adult,” ayon kay Transportation Assistant Secretary Richmund de Leon.

Ayon sa ulat ng GMA, sa ilalim ng RA 10666, sinumang taong nagmamaneho ng motorsiklo’y hindi na maaaring magsakay ng mga bata sa mga public roads at kung saan ang speed limit ay higit sa 60 kilometers per hour.

May exemption naman sa mga batang under emergency at nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

Ang mga lalabag ay magmumulta ng P3,000 sa kanilang unang paglabag, P5,000 sa ikalawang paglabag at  P10,000 sa ikatlong paglabag at suspensiyon ng driver’s license ng isang buwan.

Ang Land Transportation Office ang nangunang implementing agency at maaaring katawanin ang mga traffic officers ng mga Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority at local government units upang ipatupad ang batas.

Ang RA 10666 ay nilagdaan noon pang  ika-21 ng Hulyo, 2015 subalit ipatutupad lamang ngayong taon.

Binigyang-diin ng Transportation official ang kahalagahan ng bagong batas, kung saan tinukoy nito ang  World Health Organization’s 2015 Global Status Report on Road Safety. Ayon sa ulat,  53% ng aksidente sa kalsada sa Pilipinas ay may kaugnayan sa pamamaneho ng motorsiklo.

Source :

GMA, ABS-CBN