Batang tila nalulunod sa swimming pool, palutang-lutang, hindi agad napansin ng mga tao sa paligid?

Image capture of video via Facebook pageImage capture of video via Facebook page

Kadalasan, tuwing sasapit ang tag-araw, marami sa atin ang pumupunta sa mga beach o kaya’y sa pool para pansamantalang maibsan ang init na hatid ng panahon. Sinasamantala din ito ng maraming pamilya o magkakaibigan para magbakasyon at mag-enjoy.

Subalit hindi man inaasahang mangyari, sa kabila ng pag-iingat, sadyang may mga bagay na hindi naiiwasan, gaya na lamang ng nangyari sa isang paslit na nakitang palutang-lutang sa isang swimming pool.

Sa isang Thai video na ngayo’y kumakalat sa social media, makikita na noong una ay tila walang nakapapansin sa isang tila nalulunod na bata. Dinadaanan lang ito ng mga nakakakita na parang walang pakialam o kaya’y hindi nakakapansin sa nangyayari sabata.

Isang ginang ang nagmalasakit at tumawag ng saklolo para sagipin ang bata, matapos nitong mapansin ang nangyari pagkaraan ng ilang segundo.

Aniya: “I noticed the poor little boy and I immediately call for help. When the aid come in, the boy was already unconscious when they got him out of the water.”

Karamihan sa mga nagkomento ay nagagalit sa kumuha ng video pagkat siya ang unang nakapansin sa kakaibang nangyayari at dapat sana’y agad siyang umaksyon at nagtawag ng saklolo imbes na nagpatuloy sa pagvi-video.

May mga nagagalit rin sa mga tao sa paligid ng pool pagkat tila walang pakialam ang mga ito o nagduda man lang sa nangyayari sa bata.

Samantala, wala namang kumpirmasyon kung naisalba ba ang bata.

Paalala naman ng mga awtoridad sa mga matatanda na may mga kasamang bata sa paliligo sa mga pool o beach: “We all know summer time is the time to go out swimming and have fun with friends or relatives. But we should always consider safety above all, especially for the little kids.”

Panoorin ang mga video:


2nd video: