Batas na magbibigay proteksiyon sa mga  babaeng bilanggo, isinusulong ni Sen. De Lima

Imahe mula sa FacebookImahe mula sa Facebook

Bagama’t nasa piitan naging aktibo si Senador Leila de Lima sa paghahain ng mga batas at partikular sa ngayon ang Bill 1438 o ang Women in State Custody Act of 2017 na magbibibgay ng proteksiyon laban sa sexual at physical abuses sa bilangguan ang mga kagaya niyang female inmates.

Ayon sa ulat ng GMA, nakasaad sa panukalang ito ang ilang mga paraan upang mabigyan ng proteksyon ang mga babaeng bilanggo, kabilang ang pagpapanatiling magkahiwalay ang mga lalaki at babaeng bilanggo sa lahat ng oras.

Nais din ng panukalang ito ang pagkakaroon ng babaeng security personnel habang isinasagawa ang interrogation sa mga babaeng bilanggo. Layon din nitong payagan ang mga babaeng bilanggo na makapaghain ng reklamo laban sa karapatang nalabag sa kanila.

Bawal din umano sa panukalang ito ang contact ng mga babaeng bilanggo sa mga lalakeng security personnel at iba pang mga lalakeng bilanggo sa lahat ng oras, maliban na lamang kung may presensya umano ng female security.

Ayon pa kay De Lima iba’t ibang uri ng pang-aabuso ang nararanasan umano ng mga babaeng bilanggo sa loob ng piitan.

The abuses, including rape, inappropriate sexual touching, beatings, excessive pat-downs and strip searches, and the use of sexualized language, is a crude example of the power imbalance between security personnel and women inmates,” ani De Lima.