Binibining Pilipinas-Intercontinental na si Katarina Rodriguez, Itinangging Siya’y Magre-resign at Bibitawan ang Korona

Imahe mula sa Twitter account ni Katarina Rodriguez

Itinanggi ni Binibining Pilipinas-Intercontinental na si Katarina Rodriguez na balak nitong mag-resign at bitawan ang korona.

Ito’y matapos maiulat na nagpahayag umano si Rodriguez na hindi niya tatanggapin ang naturang korona; ayon sa text message na ipinadala ni Gines Enriquez sa ABS CBN, spokesperson ng Bb. Pilipinas Charities Incorporated (BPCI).

Ngunit taliwas naman ito sa Twitter post ni Rodriguez, na sinabi nitong wala siyang binitawang anumang pahayag na hindi niya tinatanggap ang korona kaya sana’y iwasan din ang mga ispekulasyon.

Ayon  pa sa Davao City native,  dalawang araw pa lamang matapos ang coronation na aniya ay isa sa pinakamasayang bagay na kaniyang nagawa.

Halos ganito rin ang sinabi ni Rodriguez sa kaniyang Instagram Account:

Naghihintay pa ang BPCI ng pormal na sulat ng resignation mula kay Rodriguez hanggang sa mga oras na ito.

Kung sakaling mabakante ang titulo ni Rodriguez ay kailangan itong talakayin. Hanggang sa mga oras na ito ay kasalukyan umanong nag-usap  sina Rodriguez at trainer nitong si Jonas Gaffud hinggil sa isyu.