Boy Abunda, sobrang yaman na nga ba?

Imahe mula sa Facebook

Sa panayam kay Boy Abunda sa programang “Magandang Buhay” nitong huwebes, natanong sa kanya kung gaano na ba siya kayaman ngayon. At simple lang ang naging tugon dito ni tito Boy. Aniya: “Komportable ako!”

Ipinaliwanag niya na komportable siya ngayon sa buhay dahil sa kanyang ginawang pag-iipon. “Ako ay nag-ipon  dahil takot na takot akong bumalik doon sa aming pinanggalingan sa kawalan,” dagdag pa niya. “Sabi nga namin ni Karla Estrada, kapag pinagdaanan mo ang pinagdaanan naming hirap, gagawin mo ang lahat para ‘di mo na ito maranasan.”

Nabanggit na rin noon ni tito Boy na pumanaw ang kanyang ama dahil sa kahirapan. Bagay na ayaw na niyang maranasan sa kahit sinong miyembro ng kanyang pamilya.

Samantala, sa kabila ng tinatamasa ngayong karangyaan sa buhay ni tito Boy, iginiit niya na nananatili pa ring nakatuntong sa lupa ang kanyang mga paa.

Kuwento pa niya: “Ako, naniniwala ako that it’s all borrowed. Sa industriyang ito, ang isang batas na hindi mababago is nothing lasts forever. Wala kaming pinagmamalaki. This too shall pass and when you know na this is temporary, hindi ka dapat umasta na mayabang .”

Very positive namang sinagot ni tito Boy ang tanong na kung takot ba siya na malaos. Aniya: “Tanggap ko na may hangganan ang lahat. Walang permanente sa mundong ito. Alam ko, malalaos ako. I know I will be a has-been. Manager ako. Alam ko na hindi ka parating sikat, but I will make sure that I will be a fabulous husband.”

Dagdag pa niya: “Bakit hindi ako takot? Because I’m blessed. Malaos man ako, it’s an admission na I was there. I had my time. I was on center stage. I was on top. It’s a natural law to go down and you know what? Going down is okay, it’s okay. Lahat ng umaakyat, bumababa. Lahat ng nabubuhay, mamamatay. Ang maganda nito ay iyong ano ba ang iniwanan mo? At kung anong klaseng tao ka ba?”

Walang duda na kaya sobrang blessed ngayon si tito Boy ay lagi itong humble at hindi selfish na tao. At kahit isa na ito ngayon sa itinuturing na one of the richest celebrities sa ating bansa ay lagi pa ring nakaapak sa lupa ang kanyang mga paa.