Cayetano sa Kritiko: Handang Magbitiw sa Puwesto, Magpapakulong kung Mali ang Ginawa sa UN Human Rights Council

Larawan mula sa Alan Peter Cayetano via Facebook pageLarawan mula sa Alan Peter Cayetano via Facebook page

Handang magbitiw sa puwesto at makulong si Senador at Foreign Secretary Alan Peter Cayetano kung mapatutunayan na mali ang ginawa niyang presentation sa umano’y human rights record ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Ito ang naging tugon ni Cayetano sa mga mambabatas na kritiko niya na tinawag na “cover-up” ang nasabing presentation.

Gumawa si Cayetano ng presentation nitong Lunes sa Universal Periodic Review sa Geneva, Switzerland sa umano’y ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte.

Sa press conference sa Phnom Penh, Cambodia, sinabi ni Cayetano na responsibilidad niya na igiit ang katotohanan sa war on drugs ng pamahalaan.

“It is our job to give an accurate report. That’s what we gave eh. Will they believe it? It’s up to them. Will they not believe it? But we gave our side and then we opened it up to investigation,” saad ni Cayetano.

Ani Cayetano, hindi lahat ng mga patayan ay dahil sa war on drugs at mali rin ang bilang na nai-report sa UN.

Sinabi rin ni Cayetano sa UNHRC noong Lunes na walang “sudden wave” ng state-sponsored extrajudicial killings sa Pilipinas. Inimbitahan din niya ang UNHRC na bumisita sa Pilipinas upang makita ang sitwasyon, saad sa ulat ng Unang Balita.

Ipinahayag ni Cayetano na kinakailangan ng bansa na maging ligtas mula sa ilegal na droga para sa mga kabataan.

Ayon pa kay Cayetano, mali ang impormasyon na nakukuha ng foreign media at ng iba pang human rights group sa war on drugs ng Pilipinas. Ito rin naman ay sinuportahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ani Cayetano: “Thus, the United States and European Union are fed with fake news and are therefore misinformed. These people should be asked: why is it that 80 percent of the Filipinos in this country who are in the midst of President Duterte’s war on drugs, support him?”

Ayon sa Human Rights Watch, gumagamit lang ng denial approach ang pamahalaan ni Duterte upang i-divert ang foreign criticisms sa violence na naidudulot ng war on drugs.

Ani HRW Deputy Director for Asia Phelim Kine: “The Philippine government of President Rodrigo Duterte has a new tactic to deflect mounting foreign criticism of its murderous ‘war on drugs’ that has killed thousands: simply deny those deaths are anything out of the ordinary.”

Samantala, sinabi naman ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na bigo ang presentation ng bansa sa UNHRC.

Saad ni Pangilinan: “It has apparently failed, as 45 member-states seek a closer look into reported killings linked to the government’s war on drugs.”

Nalaman din ni Cayetano na hindi eksperto sa human rights abuses cases si UN Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary, o Arbitrary Executions Dr. Agnes Callamard.

Turan ni Cayetano: “Nagulat ako nung sinabi nung Mission natin ‘yun sa ano. No, that’s not what she was teaching in Columbia and that’s not what her focus was on. It was on government accountability, communications, et cetera ‘no. And lalong hindi siya expert sa droga.”

Dagdag pa ni Cayetano: “Iyong ideology nila ay based doon sa paniniwala na ang drugs kailangang i-decriminalize, lalo ‘yung possession for personal use. Kaya makita n’yo, (na-quote) niya ‘yung Dr. Hart na sinasabing ang droga ay — ang shabu ay walang evidence na nakaka-cause ng violence or mental illness, na ang layo-layo sa UN report at tsaka WHO report.”

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Callamard sa sinabi ni Cayetano tungkol sa kaniya.

Source :

GMA, Facebook