CIDG confidential agent, patay matapos tambangan ng riding-in-tandem

Image capture of video by GMA NewsImage capture of video by GMA News

Isang confidential agent ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police ang napatay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Cotabato City.

Sa ulat ng GMA, binabagtas noon ni Allan Takbir, isang CIDG confidential agent, habang sakay ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Sinsuat Avenue sa nasabing lungsod nang dikitan siya ng mga suspek na magkaangkas sa isang motor at bigla na lang siyang pinagbababaril.

Inaalam  pa ng mga imbestigador kung may kinalalaman sa pamamaril ang pagiging CIDG confidential agent ni Takbir.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng CIDG tungkol sa pagkakapaslang sa kanilang civilian agent.