Dalagita ginahasa at pinatay umano sa Antipolo; bangkay itinapon lang sa likod-bahay

MAYNILA, Pilipinas – Hustisya ang sigaw ngayon ng mga kamag-anak at kaibigan ng isang 12-anyos na batang babae na dinukot sa kanilang bahay sa Antipolo bago ginahasa at pinatay ng walang-kaluluwang salarin.

Image capture of CivaMightor Tungs's Facebook post
Image capture of CivaMightor Tungs’s Facebook post

Ayon sa kuwento na ibinahagi ni CivaMightor Tungs sa kaniyang Facebook noong ika-2 ng Mayo, pinasok umano ang biktimang si Jhoana Mae “Nikki” Beatriz sa loob ng kanilang bahay sa Unit 6 Pagrai Hills Brgy. Mayamot, Antipolo, Rizal noong Abril 30 bago ito kinaladkad palabas ng bahay ng hindi pa nakikilalang salarin.

Pagkatapos umanong pagsamantalahan ay pinatay pa ng biktima saka itinapon ang bangkay sa likod lamang ng kanilang bahay mismo.

Ang nagbahagi ng post ay nagpakilalang kapitbahay ng dalagita. Matalik din na kaibigan ng biktima ang kaniyang mga anak umano kaya lubos din silang nagdadalamhati sa malagim na sinapit ng bata.

Hiniling din ng sharer sa mga awtoridad ang mabilis na paglutas sa kaso at paghuli sa kriminal na nasa likod ng kawalanghiyaan.

Hindi rin umano sila titigil sa pagbabahagi ng kuwento ni ‘Nikki’ hangga’t hindi nakakamit ng pamilya ang hustisya para sa bata. Sana rin daw ay maibalik na ang ‘death penalty’ sa bansa.

Source :

Facebook