Dating AFP Chief Roy Cimatu, Itinalagang Bagong DENR Secretary Kapalit ni Lopez

Larawan mula sa Twitter ng GMA/News Portal

Si dating  Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff at retired general Roy Cimatu ang itinalagang bagong kalihim ng Department Environment  and Natural Resources (DENR) bilang kapalit ni Gina Lopez.

‘Let us put an end to all speculations,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pahayag na si Roy Cimatu ang bagong  Environment Secretary;” ito’y ayon sa Facebook post ni Secretary Manny Pinol.

Ayon sa ulat ng Inquirer, si Cimatu ay nauna nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ambassador sa Middle East. Siya rin ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1970 at nagsilbi bilang AFP chief of staff mula Mayo hanggang Setyembre 2002.

Si Cimatu ang pumalit kay dating DENR secretary Regina “Gina” Lopez, matapos  itong harangin  ng Commission on Appointments (CA) sa kaniyang posisyon noong nakaraang linggo.

Nauna nang inihayag ni Lopez na si Pangulong Duterte ang karapat-dapat na maging kapalit  niya bilang kalihim ng DENR.