
Sumakabilang buhay na ang dating konsehal na noo’y pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na narco-official umano sa Iloilo.
Na-cardiac arrest si dating Iloilo City Councilor Erwin Plagata, na diumano’y isa sa mga protektor ng droga sa nasabing bayan.
Magugunitang taong 2016 nang pangalanan ni Duterte si Plagata bilang protektor umano ng iligal na droga, kasama si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni dating City Councilor Perla Zulueta, malapit na kaibigan ng dating konsehal PLagata, ang pagtukoy daw sa huli ang isa sa mga dahilan ng maagang pagpanaw nito.
Labis na dinibdib ni Plagata ang pagkakakaladkad sa kaniyang pangalan, dagdag pa ni Zulueta
Ang kawalan ng ganang kumain at depresyon ay nagresulta umano sa pagbagsak ng katawan ni Plagata. Sinasabing ito’y dahilan ng pagkasira ng kaniyang pangalan.
Bagama’t inaanak ni Plagata ang napatay na drug lord na si Melvin Odicta Sr., hindi ito illegal drug protector at simple ang pamumuhay, maging ang pamasahe papuntang Maynila’y wala itong pantustos, giit pa ni Zulueta.
Ayon pa kay Zulueta, ang pagkamatay ni Plagata ay daan upang makapagpahinga na sa depresyong idinulot ng pagtawag sa kaniya ng Pangulo bilang illegal drug protector.