[Panoorin] Dating Mr. Pogay 2014, wagi sa Mr. Gay World 2017

Iula sa Facebook page ng Mr Gay World PH

Itinanghal na Mr. Gay World 2017 ang dating Mr. Pogay Grand Champion na si John Raspado ng programang It’s Showtime ng ABS-CBN.

Si Raspado din ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi sa nasabing patimpalak na ginanap sa Spain nitong Huwebes, Mayo 11.

Tumanggap din si Raspado ng special awards gaya ng mga sumusunod: Best in Swimwear, Mr. Online Vote, Mr. Interview, Best in Formal Wear at Mr. Social Media.

Nanalo namang 1st runner-up si Spain, sumunod si Belgium, South Africa at Switzerland.

Sa Facebook page ng Mr. Gay World Philippines, taos-pusong nagpasalamat si Raspado sa mga taong sumuporta sa kanya.

Narito ang ilan sa kanyang mga naging pahayag: “Itong pagkapanalo ko ay hindi lamang sa aking pamilya, ngunit para rin sa mga baklang katulad ko na may prinsipyo at layunin na pinaglalaban. Anumang diskriminasyon ang marinig natin sa ibang tao, basta’t malinis ang iyong puso at hangarin, wala kang dapat ikatakot. I’m happy for this award and I want to dedicate this to all the people I love and all the people who support me throughout this journey.”

Bago sumabak sa Mr. Gay World 2017, nanalo na si Raspado bilang kauna-unahang grand winner ng “I Am Pogay” ng noontime show na “It’s Showtime” ng ABS-CBN noong 2014.