Defense chief hinimok ang mga miyembro ng NPA na sumuko na at maging sundalo

Image from DFN FilesImage from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas – Hinikayat ni Department of National Defense (DND) chief Delfin Lorenzana ang komunistang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaam at pumasok sa pagsusundalo.

Sa kaniyang talumpati nitong Huwebes sa pagdiriwang ng ika-36 founding anniversary ng 5th Infantry Division (5th ID) ng Philippine Army, hinimok ng kalihim ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko na at ihinto na ang pakikipaglaban.

“The best way to win the peace is when it is done without firing a single shot,” ani Lorenzana.

Dahil umano sa kasalukuyang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP), nailaan ng mga sundalo ang kanilang oras sa pagsugpo ng ibang krimen tulad ng illegal logging, illegal drugs at iba pang kasong may kinalaman sa kalikasan

“The peace we win will only be sustainable if we reach into the hearts of our fellow countrymen and bring them back into the folds of the law,” dagdag pang kalihim.

Pinuri din ni Lorenzana ang 5th ID dahil sa mga nagawa nito upang tuluyan nang mahinto ang suporta sa komunismo at tulungan ang mga miyembro ng grupo na tuluyan nang lisanin ang kanilang ideyolohiya.