DENR chief Roy Cimatu, ipinatigil ang pagputol sa mga puno ng isang mining firm sa Palawan

Image from  OFW GLOBAL MOVEMENT Supports President Rody Duterte Facebook pageImage from OFW GLOBAL MOVEMENT Supports President Rody Duterte Facebook page

MAYNILA, Pilipinas  –  Dalawang raw matapos ibunyag ni Gina Lopez ang umano’y walang habas na pagputol ng mga puno ng isang kompanyang minahan sa Palawan, ipinag-utos na ng bagong upong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Roy Cimatu ang naturang ilegal na gawain.

Matatandaang ibinahagi ni Lopez sa Facebook  ang ‘pagmasaker’ sa mga punong halos isandaang taon na ang edad ng kompanyang Ipilan Nickel Corp. sa Brooke’s Point, Palawan nang walang kaukulang permit at ‘protected area clearance’.

Nitong Biyernes, personal na ininspeksiyon ni Cimatu ang lugar at inutusan na nito ang nasabing kumpanya na itigil na ang pagputol sa mga puno sa lugar.

“I saw the area, wala na talagang kahoy. It was very unfortunate that this happened,” wika ni Cimatu sa panayam ng Inquirer.

Hinimok din ni Cimatu ang Ipilan na harapin ang reklamong posibleng isampa ng DENR laban dito.

“There will be no going around the law,” wika ni Cimatu sa mga opisyal ng kompanya. “You should be man enough to face the consequences if you make a mistake.”

Ang cancellation order ay pinirmahan ni Natividad Bernardino, director ng DENR – Mimaropa Region.