DND pinag-iisipang bumili ng mga defense equipment mula sa China

Image from China Military OnlineImage from China Military Online

MAYNILA, Pilipinas – Pinag-iisipan ngayon ng Department of National Defense (DND) ang planong pagbili ng mga kagamitang pandigma mula sa mga kompanya sa China; ito ang ibinunyag ni Sec. Delfin Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, kasalukuyang nasa Beijing kasama ni Pangulong Rodrio Duterte para sa “One Belt One Road” summit, nakatakda silang pumirma ng ‘Letter of Intent’ kasama ng Chinese company na Poly Technologies para pag-usapan ang plano.

Subalit nilinaw ni Lorenzana na hindi pa ito pinal sapagkat kailangan muna nilang konsultahin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para malaman ang mga gamit na kailangan.

“It’s not yet a document. It’s a letter of intent to deal with them because they’re offering us a lot, a wide array of defense equipment,” ani Lorenzana.

Lumabas ang pahayag ni Lorenzana matapos mag-alok ng China ng $500-M na ‘soft loan’ sa Pilipinas na maaari umanong gamitin sa pagbili ng mga defense equipment ng AFP.

“We are not saying that we will buy from them, or we will not buy from them, but if we need anything from the Chinese Defense industry then we’re going to procure using the loan that they are going to offer to us,” dagdag pa nga kalihim.