DOJ, Haharangin si De Lima sa Senate Hearings ng Death Penalty Bill

File photoFile photo

Haharangin ng Department of Justice (DOJ) ang paglahok ni Senador Leila De Lima sa Senate hearings hinggil sa pagdinig ng death penalty bill.

Ani Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, tututulan ng DOJ ang paglahok ni De Lima sa Senado dahil siya ay nakakulong.

Paliwanag ni Aguirre: “When one is incarcerated, some of your rights and privileges are suspended, your right to participate is among them, like what happened to Senators Enrile, Jinggoy Estrada, and Bong Revilla.”

Noong nakaraang linggo, ipinabatid ni De Lima na nais niyang lumahok sa pagdinig ng death penalty at sa ilang mahalagang panukala at iba pang functions sa Senado, ayon sa ulat ng Hataw Tabloid.

Ayon kay De Lima: “I have refused to allow political persecution and harassment I suffer under the hands of the present administration to prevent me from fulfilling my electoral mandate.”

Sa pahayag ni Minority Leader Franklin Drilon, hihilingin nila sa Korte na pahintulutan si De Lima na makadalo sa Senate hearings na may kinalaman sa mahalagang agenda.

Turan ni Drilon: “We decided that in critical matters like ‘pag dumating ang death penalty bill sa Senado, hilingin namin na mapagbigyan si Senador De Lima,” ani Drilon, makaraan dalawin si De Lima sa piitan sa PNP Custodial Center.”

Ayon pa kay Drilon, may karapatan si De Lima na makilahok sa Senado dahil siya ay isang duly elected senator.