Duterte, Ipinaliwanag ang Sitwasyon ng ‘War on Drugs’ sa Bansa

File photoFile photo

“Totoo ‘yang may namatay, anak ng ‘jueteng’.  Ano ba namang giyera sa droga na walang namatay? Pero not in the character and kind that I was dished out.”

Nagpaliwanag umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng ‘war on drugs’ ng kaniyang administrasyon sa bansa.

Ayon sa pahayag ni Pangulong Duterte, may mga namamatay sa war on drugs ngunit hindi niya ito iniuutos.

Giit ni Pangulong Duterte: “‘Di naman ako mag-utos ng ganu’n pati bata — kalokohan. Kilala ninyo naman ako.”

Ito rin ang naging tugon ni Pangulong Duterte sa mga paratang sa kaniyang administrasyon hinggil sa extrajudicial killings (EJK) at sa kababasurang impeachment complaint na ipinasa ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban sa kaniya.

Turan pa ni Pangulong Duterte, walang napatutunayan na EJK sa dami ng ginawang imbestigasyon sa kaniya, saad sa ulat ng Pilipino Star Ngayon.

Saad ni Pangulong Duterte: “Look I was investigated by the Human Rights when (Sen. Leile) De Leila was still the chairman. Then I was investigated again when she was the Justice secretary, then I was investigated again by the Senate  and I was investigated again by the House, ano pa bang gusto nila?” 

Wala rin umanong pakialam si Pangulong Duterte sa planong pagsampa ni Alejano sa kaniyang kaso sa international criminal court o ICC.

“He can go ahead, he’s free to do it. This is a democracy,” wika ni Pangulong Duterte.