Duterte, Pipirma ng Executive Order upang Tapusin ang ‘Endo’ sa Bansa

File photo

“I stand firm in my conviction to end endo.”

Ito ang mensahe ni Pangulong Duterte sa mga manggagawa sa umano’y executive order na pipirmahan niya upang wakasan na ang kontraktwalisasyon sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, nakikusap ang ilang negosyante na bigyan sila ng panahon na makapaghanda bago ipatupad ang end of contract ‘endo’.

Nauna nang mag-issue ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng department order 174 kaugnay sa endo.

Ayon sa labor group hindi nakatutugon ang ilang departamento sa department order ng DOLE kung kaya’t anila malaki ang maitutulong ng executive order na pipirmahan ni Pangulong Duterte.

Ani Louie Corrall, vice president ng Association of Labor Unions, isang draft ang hinihingi sa kanila sa Mayo 10 upang matugunan ang isyu sa endo at mapirmahan na ni Pangulong Duterte ang executive order.

Dagdag pa ni Corrall, ito ay isang test ng political will ni Pangulong Duterte kung tunay na para sa pagbabago at para sa manggagawa si Pangulong Duterte.

Sang-ayon naman si Labor Secretary Silvestre Bello III sa desisyon ni Pangulong Duterte. Aniya, maghihigpit ang DOLE sa pagpapatupad ng executive order ni Pangulong Duterte sa oras na mapirmahan na ito.

Paliwanag ni Bello, kung mahuhuli ang isang kompanya na hindi nagbabayad ng minimum wage ay sisitahin niya ito, ngunit kung hindi pa rin susunod ay idedeklara niya na regular ang isang empleyado kahit pa na alinsunod ito sa kagustuhan ng kompanya.

Nagbabala rin si Pangulong Duterte sa mga mamayayaman na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Inanunsyo rin ni Pangulong Duterte na iparraatipika na sa Senado ang pagkilala sa karapatan ng mga mangagawa sa pamahalaan, , saad sa ulat ng State of the Nation.

Uutusan din umano ni Pangulong Duterte ang regional wage boards na pag-aralan ang socioeconomic sa kanilang nasasakupan at magrekomenda ng adjustment sa kasalukuyang salary rate. 

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

Source :

GMA, YouTube