Erwan Heusaff, sumulat ng artikulo sa Preview Magazine tungkol sa fiancee na si Anne Curtis

Mga imahe mula sa InstagramMga imahe mula sa Instagram

Na-feature ng Preview Magazine ang It’s Showtime host na si Anne Curtis sa latest issue nito.

Sa pambihirang pagkakataon, ang kanyang fiance at 6-year boyfriend na si Erwan Heusaff ang sumulat ng cover story para sa kanya.

Si Erwan Heusaff ay kilalang food blogger at restaurateur. Kapatid siya ng modelo at aktres na si Solenn Heusaff.

Ibinahagi ni Erwan kung sino talaga ang “tunay” na Anne sa likod ng mga kamera. Ibinahagi rin ni Erwan kung gaano niya hinahangaan si Anne matapos ang pagharap sa napakaraming hamon sa karera nito noon, hangang sa matamo nito ang pinakamahusay na bersyon ng kanyang sarili sa kasalukuyan.

“Whether you want it or not, you will see Anne at one point during your week, on screens of various sizes, buses or pictures. What you don’t see is what I have the privilege to be party to every day, from how she cares for her family, anonymously helps strangers in need, builds classrooms, takes care of her oldest dog, cries in front of sad news and videos on Facebook, takes pictures with more than people than I would ever have the patience for, to leaving toothpaste on my toothbrush when we travel because she knows I never bring some,” sulat ni Erwan.

Dagdag pa ni Erwan, “She needs to be able to look up to a billboard, knowing at this point in her life, she is the best version of herself.”

Matatandaang kinumpirma mismo ni Curtis ang kanilang engagement ni Heussaff noong Disyembre 2016. Nangyari ang proposal ni Heusaff kay Curtis sa naging byahe ng magkasintahan sa Connecticut at  New York.

Bagama’t inihayag na ang kanilang engagement, hindi pa rin sinasabi ng dalawa ang mga detalye sa kanilang kasal.  Sa presscon para kay Curtis noong Pebrero 15, 2017 bilang official ambassador ng Jollibee burgersteak, sinabi niyang magiging abala ang 2017 para sa kanila ni Heusaff.

“It’s a bit hectic. Parang (It’s like) as soon as you get engaged, you really don’t realize kasi na (that), ‘Huh, 10 months to go na lang or a year to go na lang.’ It keeps going by so fast. So [there is] a little bit of stress, but at the same time, I know it’s going to be a love-filled year,” sagot ng aktres na isinikreto ang magiging motiff at theme ng kanilang pinaghahandaang kasal.