Guro, gumagamit ng ‘extension cord’ bilang panlatigo upang parusahan ang mga estudyante

Imahe mula sa Stomp Facebook PageImahe mula sa Stomp Facebook Page

Ang corporal punishment ba ay mabisang paraan upang matuto ang isang estudyante?

Isang guro ngayon sa Sichuan, China ang nakuhanan ng retrato na gumagamit ng extension cord bilang panlatigo upang parusahan ang kaniyang estudyante.

Makikita sa retrato ang guro na gumagamit ng extension cord upang latiguhin ang isang nakaluhod na estudyante.

Ayon sa ulat ng Sichuan Daily, galit na galit umano ang guro sa ilang mga estudyante na hindi nakare-recite ng kanilang takdang aralin sa pamamagitan ng pagsasaulo nito.

Pinupuwersa umano ng guro ang mga estudyante na hindi nakaaalala ng kanilang takdang-aralin na tumayo sa harapan ng klase bago ito latiguhin sa labas. Naiulat din na sinuntok at sinipa ito sa bandang tainga.

Matapos kumalat sa social media ang retrato, sinuspinde naman ito ng pamunuan ng paaralan. Kasalukuyan ding iniimbestigahan ang insidente.

Ito’y nagpaalala rin sa lahat ng guro na kailanman ay hindi dapat gumamit ng dahas sa mga mag-aaral.