HPN 3: Tatlong komedyanteng Hapones na may pusong Pinoy

Image ca[pture of video by ABS-CBN

Tatlong kabataang Hapones ang nakikipagsapalaran sa Pilipinas bilang mga komedyante gamit ang wikang Tagalog.

Ayon sa ABS-CBN, HPN 3 ang tawag sa grupo ng tatlong komedyanteng sina Kazuo Inoue (Inoue), Horikkoshi Yuuki (Yuuki) at Kazuki Tnaka (Kazu). Mahigit isang taon na silang namamalagi sa bansa at anila ay napamahal na sa kanila ang Pilipinas.

Sabi ni Yuuki, marami na silang napuntahang lugar sa Pilipinas tulad ng Boracay, Cebu, Quezon Province at Tondo. Aniya, masaya raw ang pamamalagi niya sa Tondo dahil maraming mababait na tao doon.

“Masaya sa Tondo. Maraming mababait na tao. Totoo, maraming mababait na tao. Masamang tao, lahat patay. Ngayon mabait na lang, kaya masaya,” patawang hirit ni Yukki, na na sampung taon na raw na komedyante.

Dagdag pa ni Yuuki, mga pusong Filipino na raw sila. Katunayan ay nais niya raw makapag-asawa ng isang Filipina.

“Ako ay pusong Filipino. Gusto kong Filipino asawa, sino (gusto) maging asawa ko,” biro pa ni Yuuki.

Kung mabibigyan daw sila ng pagkakataon ay gusto nilang ipakita ang husay nila sa pagpapatawa sa telebisyon o sa mga commercials.

Marami na silang ginawang video kung saan ipinapakita nila ang mga karanasan nila sa bansa.

Panoorin: