Huli sa CCTV ang isang Lola na nagnakaw ng cellphone sa tindahan

Imahe mula sa You TubeImahe mula sa You Tube

GENERAL SANTOS CITY  —  Nitong Huwebes ng hapon, nasalisihan ang isang babae at nawala ang kanyang bagong bili na cellphone, at ang suspek ay isang lola.

Kuwento ni Honey Bernil sa ABS-CBN: “Iniwan ko lang saglit ang aking cellphone na naka-charge para i-follow-up sa loob ng opisina ang order ng isang kliyente. Pero wala pang limang minuto nang makabalik ako, laking-gulat ko na lang na wala na ang aking cellphone. Charger na lang ang naiwan.”

Nang hanapin ni Bernil ang kanyang cellphone, tuluyan na niya itong hindi nakita. Kaya naman nang tingnan nila ang CCTV, doon sila nagulantang. Napanood nila ang isang lola na siyang tumangay sa cellphone ni Bernil.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang matandang babae na pumasok sa tindahan. Makikita rin ang cellphone stall na walang bantay, pero nandoon ang guwardiya na nakatalikod.

Maya-maya pa’y tumungo sa cellphone stall ang matandang babae at timing naman na umalis ang guwardiya. Doon na ito nakakita ng tiyempo at mabilis na isinilid sa kanyang bag ang cellphone, saka ito sumibat.

Dagdag pa ni Bernil na labis ang panghihinayang: “Wala pang isang linggo ang aking cellphone at nabili ko ito ng P17,000. Ang masaklap, hindi ko pa ito nababayaran nang buo. Ikakaltas ito sa suweldo ko sa loob ng dalawang buwan.”

Depensa naman ng security guard ng establisyemento na naka-duty nang mga oras na nangyari ang pagnanakaw, nagkataong magtu-turnover diumano siya ng trabaho sa kanyang karelyebo, kaya ito lumabas at binilang ang mga panindang motor.

Hindi raw ito naghinala sa suspek na isang lola dahil inosente naman diumano itong tingnan.

Sa ngayon, dumulog na sa pulis ang biktima at patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis.

Anila, ito na ang ikalawang pagkakataon na nasangkot ang isang matandang babae sa nakawan.

Nito lamang Abril, nahagip rin ng CCTV ang matandang babae na pumasok sa isang bahay kung saan makikitang may natutulog sa sofa ng sala.

Kinuha ng suspek ang mga cellphone at mga mamahaling sapatos ng kanyang biktima. Pero hindi nagtagal ay naaresto rin ang matandang babae noong Abril 27.

I-click asng imahe upang mapanood ang video

I-click ang imahe upang mapanood ang video

Source :

ABS CBN, Facebook