Ibinahagi ni Jaya ang kanyang natutunan pagdating sa sobrang pagtitiwala

Imahe mula sa TwitterImahe mula sa Twitter

Ngayong buwan ng Mayo, muling magkakaroon ng malaking concert si Jaya, kaya naman puspusan ang ginagaawa niyang preparasyon para rito.

Sa kanyang media conference para sa kanyang ‘Jaya No Boundaries’ concert, nabanggit ni Jaya ang diumano’y pinagdaanan niyang problema sa kanyang personal driver. Hindi man masyadong nagbigay ng detalye ang singer hinggil dito, tila nagpasaring naman ito. Aniya: “Huwag na natin siyang pag-usapan. Baka kasi sumikat pa. All I can say is that, never trust people that much and don’t. Para kasi sa akin ang trabaho, dapat trabaho. Ang Pilipino kasi mapagbigay. Nag-e-extend tayo doon sa dapat lang ibigay and then later on, kapag natira tayo, nganga. Ano nangyari, ‘di ba?”

Samantala, wala na sa poder ni Jaya ang driver at siya na ngayon ang nagda-drive sa sarili papunta sa showbiz commitments.

Dagdag pa ng singer, problema diumano sa pera ang naging problema ng kanyang dating driver. Pero wala na siyang plano na maghabol dito. Aniya: “I just leave it all to God. Alam naman Niya e. Huwag nang habol-habulan. Huwag nang waste of time. Alam naman niya e. Ipinagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat at nagpapasalamat pa rin ako sa mga blessings na patuloy na dumarating sa buhay ko when it comes to my career and my family!”