Ina ni Charice Pempengco, Dumepensa sa “Laos” Comment ng Ilang mga Fans

Imahe mula sa Facebook account ni Raquel Pempengco/Public DomainImahe mula sa Facebook account ni Raquel Pempengco/Public Domain

“Laos, purdoy, at nakikitira lamang. Mga Haka-haka lamang pero walang kasiguruhan.”

Ilan lamang ito sa mga pahayag ni Racquel, ina ni Charice Pempengco, matapos magbahagi ng kaniyang sama ng loob sa kaniyang Facebook account nitong, Abril 30.

Labis na dinamdam ni Raquel ang mga komento ng ilang mga fans ni Charice, sa pagsabing: “laos, purdoy, at nakikitira” si Charice pagkatapos malaman ng mga ito na ang singer ay hiwalay na sa kanyang live-in partner na si Alyssa Quijano.

Saad pa ni Raquel: “Sa lahat po ng sumusubaybay sa anak kong si Charice… Huwag naman ninyo masyadong husgahan ang anak ko ayon lang sa nkikita nyo.”

Ipinaalala pa ng ina ni Charice  ang pagbibigay karangalan at saya ng anak sa kanyang mga kababayan bilang isang Filipino international singer.

Wika pa ni Raquel:  “Si Charice nakatatak na ang pangalan na nagbigay karangalan sa bansang Pilipinas para sabihin na laos. Kung hindi man siya lumalabas sa entablado eh sariling choice niya yun.”

“Minsan na ring ibinigay sa atin ang kasiyahan bilang isang mahusay na mang-aawit di lamang dito kundi sa ibang bansa.”

Panawagan din ni  Raquel na bigyan ng respeto ang mga desisyon ng kaniyang anak.

Aniya: “Kaya bigyan po natin xa ng chance para pagbigyan naman kung ano ang  gusto niya sa kaniyang pag-awit. Respeto lamang  bilang pagrespeto ng ibang lahi sa kaniya.”

 

Sa kabila ng pinagdaraanan ng anak ipinaramdam pa rin ni Raquel  ang suporta dito:  “Charice basta lagi mong tandaan na andito lang ako incase na kailangan mo ako.”

Kinumpirma ni Carl Cabral, manager ni Charice ang hiwalayan nila ng live in partner na si Alysa Quijano matapos ang apat na taong pagsasama. Kasabay nito ang ilang mga pahiwatig ni Charice na lilisanin na nito ang showbiz.