Industriya ng tabako sa bansa, pinangangambahang mamatay dahil sa nationwide smoking ban

Image from Health Justice Philippines

Nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang mga magsasaka ng tabako matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive order No. 26 o ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Ayon sa News Central, sinabi umano ni Mario Cabasal, pangulo ng National Federation of Tobacco Farmers and Cooperatives, na posibleng hindi na sila makapagtanim ng tabako sa susunod na taon.

“Mamamatay na po ang industriya ng tabako sa atin. Ang pinaka tinamaan dito ay kaming mga magsasaka ng tabako, ang aming pamilya at ‘yung mga empleyado ng manufacturers ng sigarilyo,”  pahayag ni Cabasal.

Bukod kasi sa executive order ni Pangulong Duterte, nakaapekto rin sa kita ng mga tobacco farmers ang tax evasion case na isinampa ng pamahalaan sa Mighty Corp. na nangunguna sa pagbili ng lokal na tabako.

Umaapela ngayon ang grupo nina Cabasal ng isang dayalogo sa Pangulong Duterte